ni Hannah Torregoza

 Hinimok ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkules, Marso 24, ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Employees Compensation Commission (ECC) na ideklara ang coronavirus disease (COVID-19) bilang isang occupational disease o sakit sa trabaho.

Sinabi ni Hontiveros na papayagan nito ang mga manggagawa na kumuha ng seguro at iba pang mga benepisyo sa ilalim ng Employees Compensation Act and Employees Compensation Program.

“Workplaces and mass transportation are the new ‘hot spots’ of virus transmission. Dapat nang aksyunan ng gobyerno ang panawagan na gawing ‘occupational disease’ ang COVID-19 to ensure that the workers who will contract the disease while at work or in transit will be compensated under the national policy for employment injury benefits,” sinabi ni Hontiveros sa isang pahayag.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Kapag ang COVID-19 ay inilista ng ECC bilang isang sakit na nauugnay sa trabaho, sinabi ng senador na ang mga manggagawa ay may karapatang makakuha ng mga medikal na benepisyo, kabayaran para sa nawalang kita, at maging ang mga serbisyo sa libing kung ang empleyado ay namatay mula sa sakit.

Nalulungkot si Hontiveros, na nagtutulak para sa pagpasa ng Senate Bill No. 1441 o ang panukalang “Balik Trabahong Ligtas” bill, na sa kabila ng tumataas na kaso at pagkalat ng mga bagong variant ng COVID-19 na kalaunan ay humantong sa pagpapataw ng mas mahigpit na mga quarantine na protokol sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lalawigan, ang ilang mga manggagawa ay walang pagpipilian kundi pumasok nang pisikal sa trabaho.

Ipinahiwatig niya na habang maaaring walang impeksyon na maaaring maganap sa lugar ng trabaho, ang isang manggagawa ay maaaring magkaroon ng sakit habang nasa pagbiyahe papunta at mula sa kanyang pinagtatrabahuhan. Ito, aniya, ay dapat ding mabayaran.

“Employees shouldn’t be burdened to prove that they contracted the virus in their workplace. Because even commuting to and from work, getting into public transportation, are work-related sacrifices of any employee,” iginiit niya.

Sinabi rin niya na ang unified workplace and community disease surveillance database, na ipinakilala niya sa ilalim ng 2021 na badyet ng DOLE, Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH), ay dapat makatulong sa ECC na maitaguyod na ang COVID-19 sa katunayan ay nakuha sa lugar ng trabaho.

Kung inuuna ng gobyerno ang kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang pagbabalik sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuhan, sinabi ng senador na ang gastos sa muling pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas ay hindi magiging mabigat at nakamamatay sa kapwa mga manggagawa at industriya.

“It’s not yet too late to fix the mistake. Let’s not just provide lip service and say ‘excellent’ performance,” aniya.