Ni Edwin Rollon

SINO ang tatanghaling hari sa Predator League?

Asahan ang masinsing labanan sa pagsabak nang pinakamatitikas na koponan, tampok ang anim na Philippine team, sa Asia-Pacific Predator League 2020/21 Grand Final sa Abril 6-11.

Sa kabila ng pagiwas sa face-to-face draw bunsod ng pandemic, asahan pa rin ang makapigil-hiningang labanan via online.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hinati sa apat na sub-tournaments ang torneo – dalawa para sa Dota 2 at dalawa para sa PUBG. May kabuuang US$400,000 ang premyo sa labanan bukod pa sa APAC Predator League Shield at Acer Predator products.

Tatlong Pinoy gamer group -- ArkAngel Esports, TroubleMaku, at Gamers Lounge – ang makikipagtagisan ng husay at diskarte sa mga karibal sa Players Unknown’s Battlegrounds (PUBG). Hindi matatawaran ang naging kampanya ng ArkAngel Esports sa first PUBG Continental Series sa nakalipas na taon, habang malaki ang ipinakitang pag-unlad ng magkakasangang TroubleMaku at ang sumisikat na Gamers Lounge.

Sa Dota 2 duel, angat ang TNC Predator na mananatiling all-Pinoy sa laban matapos kunin ang serbisyo nina Marvin “Boomy” Rushton at Jun “Bok” Kanehara.

Ipaparada naman ng Neon Esports ang matitikas ding sina John Anthony “Natsumi-“ Vargas, Erin Jasper “Yopaj” Ferrer, at Rolen Andrei Gabriel “skem” Ong. Ang Reckoning Esports ay ipinapalagay namang longshot sa laban.

Ipinahayag naman ng Predator na naghihintay ang P40,000 discount para sa mga piling

Predator laptops, desktops, at monitors.

Para sa karagdagang detalye sa torneo at programa ng mga koponan, sundan ang Acer’s social media account sa Facebook, Instagram, at Twitter.

Mapapanood naman via livestreaming ang laban sa Acer Predator’s Facebook at Twitch channels.