Manila Bulletin Entertainment
SA kabila ng mga restriksyon na dulot ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, ang Order of National Artists, na pinamamahalaan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP), ay naglabas ng nominasyon para sa National Artists Awards sa iba’t ibang kategorya.
Ang National Artists Awards, na ipinagkakaloob ng Pangulo ng Pilipinas, ay iginagawad sa mga Pilipino na gumawa ng mahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng sining sa Pilipinas, sa larangan ng Musika, Sayaw, Teatro, Biswal na Sining, Literatura, Pelikula, Broadcast Arts, Fashion, Arkitektura at Allied Arts.
Kabilang sa mga nominado ngayong taon ay sina Eddie Garcia, Ramon Revilla, Vilma Santos-Recto, Peque Gallaga, Ricky Lee, Pitoy Moreno, Ben Farrales, Joey Ayala, at Isagani Cruz. Dahil sa pagpanaw, sina, Garcia, Revilla, Moreno at Farrales ay nominado para sa Posthumous Awards.
Bahagi rin ng listahan ng mga nominado sina pianist at former CCP President Raul Sunico; Nemensio Miranda, sikat na iskultor at pintor, mula Angono, Rizal; Nicanor Tiongson, top art critic, creative writer at academician; Shirley Halili-Cruz, The Outstanding Filipino (TOFIL) awardee at world-class dance director at educator; Ligaya Amilbangsa, kilala para sa kanyang pag-aaral at pagsusulong ng Pangalay Dance tradition ng Southern Philippines, at isang Ramon Magsaysay awardee.
Mula sa kilalang personalidad na ito magmumula ang bagong mga National Artists!