ni Jun Fabon
TIGOK ang 42-anyos na truck helper nang aksidenteng mabagsakan ng steel bar mula sa backhoe sa construction site sa Barangay Old Balara, Quezon City, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Jojit Canale Cabulit, 42 anyos, may asawa, truck helper ng Golden Express at residente ng Manggahan, Barangay Sta. Lucia, Pasig City.
Kusa namang sumuko at nakapiit na sa Anonas Police Station (PS9) ang backhoe operator na si Ricardo Tanteo Tapel, 67, at naninirahan sa Medtown Subdivision, Barangay San Roque, Marikina City. Kinaauhan siya ng reckless imprudence resulting to homicide. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 7:37 kamakalawa ng umaga nang maganap ang aksidente sa construction site sa loob ng MWSS Compound, Katipunan Road, Barangay Old Balara, Quezon City.
Lumitaw sa imbestigasyon, nagbaba si Cabulit ng mga bugkos ng steeel bar mula sa trailer truck habang sinasalo ng backhoe.
Sa hindi inaasahang pangyayari, basta na lamang umanong kumalas ang
steel bar sa backhoe at nabagsakan si Cabulit sa ulo.