Agence France-Presse

TINULIGSA ng World Health Organization nitong Lunes ang lumalagong puwang sa pagitan ng bilang ng coronavirus vaccines na naibigay sa mayayaman at mahihirap na bansa, na tinawag ng ahensiya na “global moral outrage.”

Pinuna ng WHO ang mayayamang bansa na ngayo’y binabakunahan na ang mas nakababatang populasyon na may mababang tiyansa na magkaroon ng COVID-19 disease, sa pagsasabing inilalagay nito sa panganib ang buhay ng mga nasa low-income na bansa.

Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, na kagulat-gulat ang liit nang nagawa upang mapigilan ang isang inasahan nang “catastrophic moral failure” upang masiguro ang nararapat na distribusyon ng bakuna sa buong mundo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang puwang ay “growing every single day, and becoming more grotesque every day,” aniya sa isang press conference.

“Countries that are now vaccinating younger, healthy people at low risk of disease are doing so at the cost of the lives of health workers, older people and other at-risk groups in other countries,” pahayag ni Tedros.

“The inequitable distribution of vaccines is not just a moral outrage. It’s also economically and epidemiologically self-defeating.

“Some countries are racing to vaccinate their entire populations — while other countries have nothing.” Ayon kay Tedros, lumilikha lamang ang mayayamang bansa ng isang “false sense of security.”

Paalala ng UN health agency chief, sa higit na pagkalat ng virus, mas maraming variants ang maaaring lumutang—at sa pagdami nito, mas malaki rin ang tiyansa na malusutan nito ang bakuna. Higit 455 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na nasa 162 teritoryo sa buong mundo, ayon sa bilang ng AFP.

Nasa 56 porsiyento ng mga doses ang naibigay sa high-income na bansa na sumasakop sa 16 porsiyento ng global na populasyon.

Tanging 0.1 porsiyento lamang ang naibigay sa 29 lowest-income na bansa, na tahanan ng siyam na porsiyento ng global na populasyon.

Sinisiguro ng Covax global vaccine-sharing scheme na makakakuha ng bahagi ng vaccine doses ang 92 pinakamahihirap na ekonomiya sa mundo, sa tulong ng mga donors.

Sa ngayon nakapamahagi na ito ng higit 31 million doses sa 57 bansa.

Hangad ng programa na makapagbahagi ng sapat na doses na makapagbabakuna sa hanggang 27 porsiyento ng populasyon ng bawat isa sa 92 ekonomiya sa pagtatapos ng taon.

Ani Tedros, kalaban ng mga bansa ang oras sa pagpigil ng pagkalat ng impeksyon at kailangang tapatan ng mayayamang bansa ang kanilang pangako ng pakikiisa ng aksiyon sa pagdadala ng bakuna sa mas mahihirap na mga bansa.

“Unless we end this pandemic as soon as possible, it can keep us hostage for more years to come,” paalala niya.