HOUSTON (AFP) — Sa wakas, natigil din ang pagsadsad ng Houston Rockets.
Nagsalansan si John Wall ng 19 puntos, 10 assists at 11 rebounds – kauna-unahang triple double sa loob ng limang taon – para sandigan ang Rockets sa 117- 99 panalo kontra Toronto Raptors nitong Lunes (Martes sa Manila) para tuldukan ang losing skid sa 20.
Ang 20 sunod na kabiguan ng Houston ay pumantay sa ika-siyam na pinakamasaklap sa kasaysayan ng NBA at pinakamahaban mula nang maitala ng Philadelphia ang 28-game losing streak sa 2014-15 at 2015-16 seasons.
Nanguna si Fred VanVleet sa Toronto sa naiskor na 27 puntos.
CLIPPERS 119, HAWKS 110
Sa Los Angeles, hataw si Kawhi Leonard sa naiskor na 25 puntos para sandigan ang Clippers sa matikas na come-from-behind win at tuldukan ang eight-game winning streak ng Atlanta Hawks.
Kumubra si Terance Mann ng season-high 21 puntos pata sa Clippers, naghabol sa 88-66 sa third quarter.
Nanguna si Trae Young sa Hawks na may 28 puntos at walong assists.
BUCKS 140, PACERS 113
Sa Milwaukee, naiposte ng Bucks ang ika-pitong sunod na panalo, sa kabila ng pagkawala ni star player Giannis Antetokoumpho.
Hataw si Jrue Holiday sa natipang 28 puntos at 14 assists para isalba ang Bucks sa kapahamakan nang magtamo ng injury sa kaliwang tuhod si Antetokoumpo.
Sa iba pang laro, ginapi ng Charlotte Hornets ang San Antonio Spurs, 100-97; naungusan ng Memphis Grizzlies ang Boston Celtics, 132-126, sa overtime; binulabog ng Chicago Bulls ang Utah Jazz, 120-95; nanaig ang Oklahoma City Thunder, 112-103; pinayuko ng Sacramento Kings ang Cavaliers, 119- 105.