Ni STEPHANIE BERNARDINO

HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Liza Soberano na mapuna ang kakayahan ng bansa na makapagbigay ng “stimulus” sa gitna ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Naaawa umano ang aktres para sa mga tao na hindi makalabas at makapagtrabaho dahil sa pandemic.

“They literally have to choose between dying of starvation or dying of COVID. Is our country really this poor to not be able to provide stimulus?? Genuine question lang po,” tweet ni Liza.

Binanggit din ng 23-anyos na aktres kung paanong ang America ay nakapagbigay na ng dalawang rounds ng stimulus, at ngayo’y naghihintay na para sa ikatlo. “COVID testing is free, vaccination is free.”

Sinundan ito ni Liza ng pahayag hinggil sa suportang natatanggap ng mga mahihirap sa bansa.

“Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills,” giit ni Liza.

Siyempre, halo-halong reaksyon mula sa netizens ang natanggap ng aktres. May isa na sinabihan si Liza na huwag umaasa nang malaki sa bansa. “You’re comparing our ‘poor’ country to the first world country? lmao. Yes, Liza, our country is too poor to feed every Filipino’s mouth. So, don’t expect that much. I still do appreciate your compassion tho,” komento ng isa.

Tugon ni Liza: “So what do we do? Just sit back and wait for a miracle to happen? Pray that COVID just disappears. I believe God works wonders but I believe that he gives us the instruments to make that happen. Sad thing is the instruments/decision making are not in our hands.”

Kasunod nito, ini-retweet ng aktres ang isang post na tungkol sa hindi pagkukumpara ng financial status ngunit kung saan napupunta ang pondo at kung paano ito ginugugol. “We’re not, as you say, as rich as America and no, we’re not expecting every single Filipino to be fed or vaccinated. We just wanna see that at least SOME are getting help,” post ng isang netizen.

Nilinaw naman ng aktres na wala siyang tinatapakang sinuman at nagpapahayag lamang siya ng kanyang “frustration” bilang isang tax-payer.

“Hayy I honestly don’t even know if my tweets/ my voice is actually doing anything. We can only pray for compassion now. Good night everyone! God bless all of you. Stay home if you can.”