ni Marivic Awitan

NASUNGKIT ng Filipino karateka na si James De Los Santos ang kanyang ika-10 gold medal ngayong 2021 makaraang magwagi sa E-Karate World Series Edition 2.

Sa pagkakataong ito, nagwagi si De Los Santos sa finals sanhi ng di-inaasahang pangyayari kontra sa pambato ng South Africa na si Silvio Cerone-Biagioni.

Hindi inaprubahan ng mga hurado ang routine na dapat gagawin ni Cerone- Biagioni sa gold medal round kung kaya iginawad sa video performance ni De Los Santos ang forfeiture win.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa pangyayari, nauwi sa wala ang naunang mga panalo ni Cerone- Biagioni kontra kay Kevin Pfannenstiel sa Germany sa first round at Vasilakis Konstantinos ng Greece sa semifinals.

Nakakuha ng first round bye bago ginapi si world no. 2 Matias Domont ng Switzerland sa semis, nangako naman ang Pinay karateka na ipagpapatuloy ang laban para manatiling matatag sa kanyang kapit bilang world no.1 e-kata player.

“Nowhere to go but forward!” wika ni De Los Santos