AFP
Muling sumailalim sa partial lockdown nitong Sabado ang sangkatlo ng populasyon ng France upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, habang sinimulang muli ng European countries ang AstraZeneca vaccinations matapos i-“all-clear” ng EU regulators at ng WHO.
Patuloy na kumakalat ang pandemya sa mundo, kung saan nakitaan ng 14 porsiyentong pagtaas ang global coronavirus infections nitong nakaraang linggo kumpara sa sinundan na linggo, base sa datos ng AFP.
Sa pagmamadali na maiwasan ang panibagong bugso ng virus, ilang bansa sa Europe ang muling bumalik sa partial lockdown nitong Sabado—kung saan sinimulan ng Poland, ilang bahagi ng Ukraine at ilang rehiyon sa France ang pagpapatupad ng mahigpit na restrictions.
Siksikan ang mga tren sa kabisera ng France habang marami rin ang pumipila sa mga shops bago iimplementa ang bagong restriction na ipatutupad sa Paris, at ilan pang rehiyon sa loob ng isang buwan.
Mananatili namang bukas ang mga negosyo ayon sa mayor ng Yerres, sa labas ng Paris, isang pagsuway sa “totally incomprehensible” restrictions. “Why would we catch COVID more in a shoe store than a bookshop?” giit ng mayor.
Ikinokonsiderang “essential” ang mga bookshops sa ilalim ng bagong measures, kasama ng florists, chocolate shops at cobblers.
Pansin naman ang senyales ng pagkabagot sa lockdown sa ilang siyudad sa mundo, partikular sa Europe, kung saan umuusbong ang ilang protesta sa Vienna, Sofia at Montreal.
Nasa 20,000 katao ang inaasahan sa isang demostrasyon sa Kassel, Germany, habang ikinababahala ng mga awtoridad na maging superspreader event ang rally. Muling tumataas din ang bilang ng impeksyon sa Germany, kung saan nagbabala ang vice president ng Robert Koch Institute for infectious diseases sa senyales ng pagbabalik sa “many severe cases and deaths, and hospitals that are overwhelmed.”