ni Bert de Guzman
Bunsod ng pagdami ng mga batang-ina o ng teenage pregnancy, kailangang maisama sa academic curriculum ng mga paaralan ang tungkol sa komprehensibong sexuality education.
Sinabi ni House Committee on Women and Gender Equality Chair Maria Lourdes Acosta-Alba ng Bukidnon, dapat turuan ang mga teenager hinggil sa malusog at responsableng sekswalidad.
“Apparently kulang yung community-based education and information campaign, and even sa curriculum sa formal education. I think we really need to integrate that in our curriculum, ‘yung comprehensive sexuality education,” pahayag nito.
Dapat aniyang ituro at ipaalam sa adolescents at teenagers kung papaano maging “sexually healthy and responsible. Iginiit din nito na magtulungan ang mga magulang at mga guro sa usapin