ni Merlina Hernando-Malipot
SA patuloy na pagbuo ng plano at pagpapatupad ng iba’t ibang estratehiya upang masiguro na maipadala ang kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na kinahaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa, binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan para sa malakas at matatag na internet connection.
Iginiit ni Information and Communications Technology Service-Education Technology Unit (ICTS-EdTech) Head Mark Anthony Sy, sa ginanap na week-long virtual In-Service (INSET), ang pangangailangan para sa dagdag na ICT training para sa mga guro. “We are not leaving you behind. We are listening. We know your struggles,” ani Sy. Umapela rin siya sa mga awtoridad na tumulong sa pagkakaloob ng malakas na internet connection para sa eduskasyon.
Sa unang araw ng INSET, tinalakay ni Sy ang ilang epektibong estratehiya sa pagbabahagi ng synchronous teaching. Iginiit niya na kanilang makapagbahagi ang mga guro sa mga mag-aaral ng isang agenda at magtakda ng kanilang expectations at ibahagi ito sa mga estudyante.
Kailangan din, aniyang hikayatin ang diskusyon sa mga mag-aaral, magsagawa ng icebreakers bago ang session, magkaroon ng “shorter but recorded session,” at “strategically use the chat tools.” Kasunod ng amyenda sa school calendar at mga aktibidad para sa SY 2020-2021 sa bisa ng DepEd Order No. 012, s. 2021, nag-alok ang DepEd ng online training programs para sa mga guro sa INSET Week mula nitong Marso 15 hanggang 19.
Noong Pebrero, binigyang-diin ni Education Secretary Leonor Briones na ang internet service ay problema para sa DepEd –at sa eduksyon sa kabuuan.
Kabilang sa mga alternative learning delivery modalities na iniaalok ng DepEd ngayong taon ay ang online learning. Kung mahina ang internet service o connectivity, aniya, apektado rin ang pagdadala ng edukasyon sa mga estudyante.
“We recognize that it’s not sufficient,” saad ni Briones, bilang pagtukoy sa stability ng internet connectionsa bansa. “That is really an issue that DepEd is not responsible for but we recognize it as a problem,” aniya