Napanatili ni Philippine youth chess team standout Al-Basher “Basty” Buto ang tangan na titulo matapos muling magkampeon sa 3rd Jessie Villasin Cup online chess tournament na ginanap via Lichess. org nitong Biyernes.
Ang 11-year-old mula Faith Christian School sa Cainta, Rizal ay malakas na sinimulan ang kampanya at naging maganda ang pagtatapso para isubi muli ang korona ng kiddies division na may nakamadang 6 points sa seven-round rapid tilt.
Magkasalo naman sina Christian Tolosa ng Imus, Cavite at Arnel Mahawan Jr. ng Talacsan, San Rafael, Bulacan sa second at 3rd na may tig 5 points. Nasa fourth hanggang seventh places sina inaugural winner Ivan Travis Cu ng San Juan City, Oshrie Jhames “OJ” Reyes ng Dila- Dila, Santa Rita, Pampanga, Gabriel Ryan Paradero ng Pasig City at Yosef Immanuel Morada ng Tuguegarao City na may tig 4.5 points