ni  Annie Abad

SUSULONG ang ika-8 sesyon ng National Sports Summit 2021 kung saan tatalakayin ang lahat ng Philippine Sports at ng Covid-19 sa bansa.

Magsasalita sa pagkakataong ito ang orthopedist at sports medicine na si Dr. Randolph Molosa nasabing forum sa Huwebes na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Si Molo, ang kasalukuyang pinuno ng PSC Medical Scientific Athletes Services (MSAS) Unit at miyembro ng International Football Medicine and Doping Panel ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) at Asian Football Confederation (AFC).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Siya ang may awtoridad upang magbigay ukol sa nasabing paksa.

Tatalakayin ni Molo ang ukol sa matagumpay na pagsasagawa ng sports sa kabila ng pandemya at sa isinasagawang bubble training ng mga Olympic-bound national athletes.

Ayon Kay National Training Director Marc Velasco ang paksa ay naayon lang sa kasalukuyang sitwasyon sa mundo

“It would give ample, scientifically-backed guidance on how to continue our sports-life despite the health crisis,” ani Velasco.

Ang nasabing NSS ay nakapagsagawa na ng pitong sesyon simula pa noong Enero.