ni Bella Gamotea
Arestado ang isang pasaway sa health protocos matapos na sugurin ang isang senior citizen na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Muntinlupa City, nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kathy Jhon Villatuya, 37, may-asawa, at taga-Block 6, Lot 20, Fort Santiago St., Park Homes, Tunasan, Muntinlupa.
Ayon sa pulisya, dinakip ang suspek batay na rin sa reklamo ni Harley Luis Leano, 63, may asawa, businessman, ng nasabi ring lugar.
Napansin umano ng biktima ang suspek na walang suot na face mask habang gumagala at nang sitahin niya ito ay bigla na lamang siyang sinugod hanggang sa ito ay masugatan.
Kakasuhan ng Physical Injuries ang suspek.