SA paglaki ng pangamba ng publiko hinggil muling pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, higit na mahalaga ngayon ang pagpapalakas ng suplay ng bakuna at pagpapabilis ng proseso ng vaccination.
“We have to keep pace with our neighbors, which except for Indonesia, have (a) lower infection rate than us and yet are ahead of us (including Indonesia) in implementing the vaccination program. We cannot risk being left behind again and revert to being the ‘basket case’ of Asia,” pahayag ni Benedicto Yujuico, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Muling itinaas ng mga business leaders ang nauna nang panawagan ng mga senador at ilang kongresista na pahintulutan ang pribadong sektor na direktang makapag-import ng bakuna. Binigyang-diin ni Senador Zubiri points ang section 12 ng Republic Act 114994 o ang Bayanihan to Recover as One Act na nagsasaad na: “(N)othing in this Act shall prohibit private entities from conducting research, developing, manufacturing, importing, distributing or selling COVID-19 vaccine sourced from registered pharmaceutical companies, subject to the provisions of this Act and existing laws, rules and regulations.”
Gayunman, iginiit ni Secretary Carlito Galvez, ang vaccine czar, na hindi ito magagawa. Aniya, hindi makikipag-negosasyon ang mga vaccine manufacturers direkta sa mga pribadong kumpanya maliban na lamang kung katuwang ito ng pamahalaan. Ito ay dahil nagbigay lamang ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA).
Pinalakas ng inisyatibo sa pangunguna ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Concepcion III, pumasok ang pribadong sektor sa isang tripartite agreement kasama ang pamahalaan at local government units (LGUs) sa hangaring mapabilis ang pag-angkat ng bakuna at mapadali ang rollout nito.
Samantala, nagbabala naman ang Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) laban sa pagbibigay prayoridad ng access sa bakuna, base sa kakayahan na makapagbayad ng mas mayayamang LGUs. Binigyang-diin nila na ang kakaunting suplay ay dapat ibigay muna sa mga pinaka nangangailangan: mga health care front liners, mga matatanda at may ibang karamdaman o may health impairment.
Sa gitna ng nagpapatuloy na debate, malinaw na kailangan ipatupad ang isang whole-of-government approach. Kailangang makipagtulungan ng sangay ehekutibo sa kongreso upang mabilis na malampasan ang mga legal at regulatory roadblocks at mabigyan ng mabilis na aksiyon.
Magbibigay-daan naman ito para sa nagkakaisang aksyon ng sambayanan.
Ayon sa Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 Vaccines Interim Plan, isang 125-pahinang dokumento na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Enero, ang national vaccination rollout target para sa 2021 ay 70 milyon, o 63 porsiyento ng tinatayang kabuuang 110 milyong populasyon ng bansa.
Pinalakas ni Galves ang forecast na mapabibilis ng pamahalaan ang vaccination sa isang milyong doses kada linggo, na ipinapalagay, sa pinakamainam, na tinatayang 43 milyon ang mababakunahan sa pagtatapos ng taon. Malayo ito para maabot ang hinagahangad na “herd immunity” ng DOH.
Bumagsak ang ekonomiya ng bansa nitong nakaraang taon; ang kahirapan at kagutuman ay higit pang pinalala ng pandemya. Kailangang ipatupad ang diwa ng pagmamadali sa isang whole-of-country approach upang malabanan ang COVID-19.