ni Robert Requintina
SAFE na narakating sa Egypt si Miss Philippines Kelley Day para sa Miss Eco International 2020 pageant.

“Hey Philippines , we made it to Egypt!! Safe, sound, and smiling. I am blown away by the beauty of Egypt, the resort, and the strong cool breeze!! Time to get some much needed sleep, for a fresh start tomorrow morning as Miss Eco International 2021 begins and maybe a quick game of giant chess?” post ni Kelley sa Instagram.
Una rito, pinasalamatan ng beauty queen ang kanyang mga fans sa panalangin at suporta ng mga ito sa kanyang pagsabak sa international competition.
Hangad ni Kelley, 24, na makamit ang historic feat ni Cynthia Thomalla nang maiuwi nito para sa bansa ang unang Miss Eco International crown last 2018.
Matapos ma- postponed ng dalawang beses nitong nakaraang taon dahil sa global Covid-19 pandemic, sa wakas ay binigyan na ang Miss Eco International pageant ng pahintulot na idaos ng mga organizers led by pageant founder Dr. Amaal Rezk, na umaasang mai-promote ang ecotourism sa kabila ng nagpapatuloy na health crisis.
“I think most of us can agree that we’ve spent a lot of time self-reflecting. One of the biggest challenges for me was actually learning to be alone with my thoughts, listening and really hearing myself without the distraction of normal life, and taking action on things I wanted to improve on for my personal growth and self-love,” pahayag ni Kelley sa kanyang sendoff press conference na idinaos sa Manila House, Bonifacio Global City, Taguig nitong Marso 11.
Dagdag pa niya: “It hasn’t been easy, but I’m really proud of myself for getting through the global crisis and feeling like I have become a better version of myself.