Ni REMY UMEREZ
 GAANO katotoo na mapili si Diether Ocampo sa inaalok na role? Ano ang pinagkaabalahan ng aktor sa mahabang panahong wala siya sa limelight?4

âHindi ako mapili dahil walang masamang tinapay sa industriya. Hindi lang magtugma ang schedule at kung hindi talagang bagay. I politely beg off,â tugon ng 46 year-old actor.
Nahilig si Diether sa painting at nakasama sa joint exhibit ng Pinto Art Museum sa Antipolo. Natigil din ang pag-aaral sa flight school due to pandemic. Otherwise may full licence siya to fly. Nagkaroon siya ng sapat na panahon renewing his faith. Balik-teleserye ngayon si Diether sa Huwag Kang Mangamba, ng Dreamscape Entertainment. Katrabaho niya ang mga new talents called Gold Squad. Agad nanumbalik sa alaala ng aktor his early days at how far ang kanilang narating. Nagustuhan niya ang Huwag Kang Mangamba dahil pampamilya ang project at inspirational.