ATLANTA (AFP) — Kinondena ni US President Joe Biden noong Biyernes ang pagtaas ng karahasan laban sa Asian-Americans, sinabi sa isang pamayanan na nalungkot matapos ang pagpatay sa Atlanta ngayong linggo na ang bansa ay hindi dapat maging complicit sa harap ng racism at xenophobia.
After meeting with leaders of Georgia’s Asian-American community, Biden delivered a brief speech at Atlanta’s Emory University, where he branded hate and racism “the ugly poison that’s long haunted our nation.”
Matapos makipagpulong sa mga pinuno ng pamayanang Asyano-Amerikano ng Georgia, nagbigay si Biden ng isang maikling talumpati sa Emory University ng Atlanta, kung saan tinawag niya ang pagkamuhi at racism na “the ugly poison that’s long haunted our nation.” Ang nasabing pagkapanatiko at karahasan ay “often met with silence” sa United States, aniya.
“But that has to change because our silence is complicity. We cannot be complicit,” idiniin ni Biden.
“We have to speak out, we have to act,” idinagdag niya, kasabay ng panawagan sa mga Amerikano na “combat this resurgence of xenophobia.” At pinasaringan ang nakaraang pangulo na si Donald Trump nang hindi binanggit ang kanyang pangalan, sinabi na: “Words have consequences. It’s the coronavirus, full stop.”
Naharap si Trump sa matinding buwelta noong nakaraang taon sa paulit-ulit na pagtawag sa Covid-19 - na pumatay ngayon sa 540,000 katao sa United States - bilang “China virus” dahil sa bansa nagsimula ang sakit. Sinabi ni Biden na ang pag-atake sa Asian Americans at Pacific Islanders ay “skyrocketing,” isang kalakaran na kinumpirma ng grupong Stop AAPI Hate na nagsasabing halos 3,800 na mga kaso ang naiulat mula noong nakaraang taon, kasama na ang mga verbal at pisikal na pag-atake, diskriminasyon at mga pag-abuso sa karapatang sibil.