ni Beth Camia
Dahil sa mabilis na naookupahan ang mga kuwarto sa hotel na nagsisilbing quarantine facility, ikinukonsidera ni Presidential spokesperson Harry Roque na umuwi na lamang at bunuin ang pagka-quarantine sa sariling bahay.
Aniya, halos nasa full capacity na ang hotel kung saan siya naka-quarantine kaya naisip nitong iwan ang ginagamit niyang kuwarto para magamit ng iba pang nangangailangan.
Gayunman, sinabi nito na ikokonsulta muna nito sa kanyang doktor na magdedetermina kung mas makabubuting manatili siya sa kanyang kasalukuyang tinutuluyan o sa bahay niya na lang tatapusin ang quarantine period.
Kaugnay nito, nanindigan si Roque na fake news ang lumabas sa social media na siya ay naka-quarantine sa presidential suite ng isang hotel sa Pasay City.
“Nasa isang 2-star hotel sa Anapolis, San Juan lamang ako at hindi sa isang 7-star hotel na masyadong grandioso at hindi kayang bayaran,” pahayag pa nito