Ni ADOR V. SALUTA

Sa trailer pa lamang ng Encounter,’ang Pinoy adaptation ng 2018 South Korean drama series na pinagbidahan nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum, andami nang nagagandahan sa chemistry ng bagong tambalang Diego Loyzaga at Cristine Reyes na maglalapat ng karakter sa nasabing series.

Ilang tulog na lang ang hihintayin dahil magpi-premiere ang Encounter sa TV5 sa Marso 20, Sabado ng 8:00 p.m.

K a s a m a s a c a s t ng Encounter sina Kean Cipriano, Robert Seña, Maricel Morales, Yayo Aguila, Louise de los Reyes, Gardo Versoza, at Isay Alvarez.

Ralph at Josh, evicted na sa Bahay ni Kuya

Sa panayam kay Cristine, inilarawan niya ang kanyang role.

“My role here is Selene Cristobal. Si Selene Cristobal ay dating artista, and then, nakapangasawa siya ng isang business tycoon.

“Iyong family, iyong empire nila is into hotels. Hotelier, tama ba? Yun ba ang tawag do’n? Yeah. So, anyways... until she had to give it up dahil nga kailangang pangalagaan iyong mga... Iyong napangasawa kasi niya, iyong family nun, very controlling. Very manipulative. So, nawala si Selene Cristobal sa sarili niya because of that.”

“And parang namatay yung sarili niya. Parang napilitan siya to marry her boyfriend back then, until nag-divorce sila. And nung nag-divorce sila, yung mother-in-law niya asked a huge favor na akuin yung kasalanan ng divorce to save their family’s name.

“So, in return, I asked for a hotel. One of their hotels na dying hotel na, and I revived that hotel.

“And of course, bitter yung mother-in-law ko about it, that I became successful about... you know, reviving that dying hotel, nag-evolve siya. Naging successful si Selene Cristobal. Nagkaroon siya ng ibang branches ng hotel. And then, pumunta siya sa Ilocos. Kasi, may gusto siyang bilhin na property doon, na eventually gusto niyang gawing hotel niya.

“Doon kami nag-meet ni Gino, which is Diego. And little did I know na magiging empleyado ko pala siya sa hotel ko. Because Selene is the CEO of the hotel.

“And then, noong nag-bond kami ni Gino sa Ilocos, nagkaroon kami ng spark. Nagka-develop-an kami doon.

“Tapos, na-cut short iyon because of other engagements until pagbalik namin ng Manila, nagkagulatan kami na, ‘Huh?! Empleyado ka sa hotel, tapos ako yung boss mo. CEO ako dito sa hotel!’ So, parang shell shock, ‘Huh?!’ Doon iikot iyong istorya naming dalawa,” mahabang kuwento ng aktres.