ni Annie Abad

WALANG dahilan para hindi mapanood ng sambayanan ang pakikipagtagisan ng dalawang Pinoy sa The Apprentice: ONE Championship Edition na ilulunsad sa Asia sa Marso 19.

Hindi isa bagkus tatlong network – AXN, TV5 at One Sports – ang magpapalabas ng pinakahihintay na reality show kung saan kabilang sa 16 na kandidato sina MMA artists Lara Alvarez at Louie Sangalang.

Ang single-mom na si Alvarez ay miyembro ng pamosong Team Lakay ng Baguio City, habang ang cancer survivor na si Sangalang ay multi-sport athlete, marathoner, at dating MMA champion.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang 13-episode non-scripted reality show ay mapapanood sa cable at free-to-air channels simula sa Marso 18. Mapapanood sa AXN ang premiere ganap na 8:40 ng gabi. Mapapanood ang mga susunod na episodes tuwing Huwebes ganap na 8:50 ng gabi Singapore time.

Ipalalabas naman ng TV5 ang inaugural episode sa Sabado, Marso 20 ganap na 11:00 ng gabi, ngunit simula sa Marso 22, mapapanood ito ng mas maagaganap na 9:00 ng gabi sa One Sports (Channel 41 on free TV, Channel 59 on Sky Cable, at Channel 6 on Cignal TV) at One Sports+ (Channel 261 on Cignal TV).

Naghihintay sa magwawagi ang US$250,000 job offer kay ONE Championship Chairman at CEO Chatri Sityodtong sa loob ng isang taon sa kanyang opisina sa Singapore.