ni Beth Camia

Tumaas ang bilang ng mga nagpapakamatay sa ating bansa, inilagay ang suicide bilang pang-27 na sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang suicide deaths sa 3,529 noong 2020 o may 26 na porsiyentong mataas sa 2,808 suicide deaths noong 2019.

Sa pag-aaral ng PSA, ang bilang ng mga namatay sa Pilipinas mula Enero hanggang Disyembre 2020, ay hindi pa kasama sa mga nagpakamatay na Pinoy sa abroad.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Ayon sa mga eksperto, ang pagkabalisa dahil sa pandemic ang nakaapekto sa nakararaming Pinoy, na nagdulot ng problema sa mental health.

Ito ay nakita sa pagtaas ng bilang ng tawag sa helplines, fully-booked consultation schedules, at pagdami ng mga aktibidad, na makapagpapagaan sa sarili at magpapatanggal stress.

Sinabi ng psychologist na si Randy Dellosa, maraming Pinoy ang nagkakasakit at sinusubukang ikonsidera ang ‘new normal,’ kahit na nasa realidad na nasa abnornal na kondisyon ang bansa ngayon.

Umaabot sa 3.6 milyong Pinoy ang dumaranas ng mental health problems, pero may banta na kumunsulta sa mga healthcare professional dahil sa pandemic.

Batay naman sa ulat ni National Mental Health Program Head Frances Prescilla Cuevas, may halos 1,145,871 katao ang dumaranas ng depressive disorder.

Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH), may 32 hanggang 37 tawag ang kanilang natanggap o may monthly average calls na 907.