Ni REMY UMEREZ

 May new single si Rachel Alejandro makalipas ang isang dekada, na ang pamagat ay Takipsilim.

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na

Nagpatulong siya kay Nino Alejandro na humanap ng isang kantang magdudulot ng pag-asa. Naisipang magkaroon ng search online at nakita sa Takipsilim ng 19 year-old Rain Santana ang kasagutan. Para kay Rachel akmang-akma ang kanta sa sitwasyon ng munod sa ngayon.

“Somewhere in the horizon is hope,” wika ng singer-actress na huling napanood sa musical play na Larawan.

Ang Takipsilim ay under Record label at distributed for streaming worldwide ng Warner Music Phillipines. Ito na marahil ang tugon for a new certified hit na inaasam ni Rachel.