ni Merlina Hernando-Malipot

BAGAMAT wala pang pinal na desisyon para sa petsa ng susunod na pagbubukas ng klase, hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang at mag-aaral—mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan—na makiisa sa maagang pagpaparehistro para sa SY 2021-2022 na magsisimula sa pagtatapos ng buwan.

Dulot ng malaking pagbabago sa school calendar para sa School Year (SY) 2020-2021, magsasagawa ang DepEd ng early registration para sa SY 2021-2022 mula Marso 26 hanggang Abril 30, 2021.

Pagbabahagi ng DepEd, ang month-long activity ay isang inisyatibo upang “ensure that incoming learners are registered” para sa SY 2021-2022. Layon din nitong matulungan ang ahensiya na mas makapaghanda para sa posibleng mga isyu at suliranin na maaring lumutang—lalo na sa nagpapatuloy na sitwasyon ng bansa dala ng coronavirus disease (COVID-19).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“All incoming Kindergarten, Grades 1, 7, and 11 in public elementary and secondary schools shall pre-register to allow the Department to make necessary preparations and incoming plans for the coming school year,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Paalala naman ni Briones, ang mga nasa Grades 2-6, 8-10, at 12 ay ikinokonsidera nang pre-registered –kaya hindi na nila kailangang lumahok sa early registration.

Mandataryo para sa mga pampublikong paaralan ang early registration habang opsyonal ito sa mga pribadong paaralan. Gayunman, nakamandato sa mga pribadong paaralan ang istriktong pagpapatupad ng Kindergarten cut-off age sa ilalim ng DO No. 20, s. 2018.

Inumpisahan ang maagang pagpaparehistro upang matulungan ang ahensiya na mataya ang bilang ng mga enrollees sa susunod na school year at itinatag sa DepEd Order No. 3, s. 2018, na mas kilala bilang Basic Education Policy.

Bukod sa mga papasok na Kinder at Grade 1, 7 at 11, hangad din nito na matunton, makilala at mairehistro ang mga out of school youth at mga bata na maaaring kilalanin na “living with disabilities; living in an off-grid community; living in a barangay without a school; living in a geographically isolated area; displaced due to natural disaster; living in an armed conflict area; living in an area with a high level of criminality/drug abuse; having a chronic illness; having nutritional problems; a victim of child abuse or economic exploitation; stateless/undocumented; in conflict with the law; living on the streets; and no longer in school but interested in going back to school.”

“The early registration campaign ensures the right of all school-aged learners to enroll and be equally provided with quality, accessible, relevant, and liberating basic education,” dagdag pa ng DepEd.