ni Bert de Guzman

Isinailalim sa pansamantalang lockdown ang Kamara bunsod ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa advisory noong Huwebes, inanunsiyo ng Public Affairs Office ng Kapulngan ang temporary lockdown sa Batasang Pambansa, Quezon City mula Marso 18 hanggang Marso 21.

“In view of the alarming increase in COVID-19 cases in Metro Manila and as an added precautionary measure, the House of Representatives will impose a temporary lockdown starting on Thursday, 18 March 2021 until Sunday, 21 March 2021,” saad ng PAO. Sa apat-na-araw na lockdown, ang mga kasapi ng Kamara at accredited media ay maaaring dumalo sa committee hearings at iba pang events sa Kapulungan sa pamamagitan ng online videoconferencing. Sinabi ni House Secretary – General Mark Llandro Mendoza na hanggang nitong Marso 16, may 29 atkibong kaso ng Covid-19 sa mga miyembro at staff nila.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty