ni Leonel Abasola
Nais ni opposition Senator Leila M. de Lima na mabigyan ng tulong-pinansyal na direktang ipamahagi sa mga magsasaka at mangingisda na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Sa kanyang Senate Bill (SB) No. 2100 layon nitong magbuo ng COVID-19 emergency cash grant sa mga maliliit na mangingida’t magsasaka sa mga munsipyo na nasa laylayan ng lipunan.
“The COVID-19 pandemic has not only severely impacted our public health, but has also debilitated many industries and has caused our economy to go into recession. Among the worst hit economic sectors are those of the farming and fishing industries, particularly small-scale farmers and municipal fisherfolk,” diin ni kay De Lima, chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.
Aniya, bago pa man kumalat ang pandemya, inulat na ng Philippines Statistics Authority (PSA) na ang sektor ng magsasaka at manginisda ang nasa ilalim ng ekonomiya, at nakapagtala na itp na 31.6% at 26.2 % kahirapan noong 2018.