ni Remy Umerez
TAONG 2015 ng i-release ang Tala ni Sarah Geronimo at wala pang choreography mula sa G-Force. Ang vision ni Sarah ay maging dance craze ang “Tala” balang araw.
Nag-klik at nagpapasalamat ang Popstar sa LGBT Community sa pag-promote na ginawa sa socialmedia platforms.
Ano ang ipinahihiwatig ng awitin? Kung si Sarah ang tatanungin, “It could be a heartbreak song. A song puno ng pag-asa o kaya a feel good song.”
Mula sa pagiging dance craze ay ginawa itong Tala: The Film Concert ng Viva Entertainment at mapapanood sa March 27 in Digital platforms.
“It is like shooting a music video. Malaking hamon at mahirap ang mag-perform na walang audience.”
May backstage pass na ipagkakaloob na ipapakita kung paano nabuo ang film concert. Sarah’s way of interacting sa fans.
Kumusta naman ang buhay may-asawa? “Masaya dahil i am blessed with a husband na
mabait at very responsible. May katuwang ako, one whom i will build my own family with one day.”
Kailan naman kaya nagbabalak ang mag-asawa na magkaroon ng baby?