ni Mary Ann Santiago
Hindi natuloy ang pagsasara sana ng Skyway Stage 3 project sa mga motorista nitong Martes ng hapon.
Mismong si San Miguel Corp. (SMC) president Ramon Ang ang kumumpirma ng naturang magandang balita.
Nauna rito, nitong Lunes ng gabi ay inianunsiyo ng SMC na isasara nila ang Skyway Stage 3 matapos ang kautusan ng Toll Regulatory Board (TRB) na isailalim sa indefinite closure ang naturang elevated highway simula 5:00 ng hapon ng Martes, hanggang sa hindi pa nakukumpleto ang mga rampa nito.
Gayunman, mariing pinabulaanan ito ng TRB at sinabing wala silang inisyung desisyon o kautusan hinggil sa pagsasara ng Skyway Stage 3.
“This is to inform the public that the Toll Regulatory Board (TRB) DID NOT ISSUE a decision or directive ordering the indefinite closure of the Skyway Stage 3 starting 5 p.m. of 16 March 2021,” anang pahayag ng TRB.
“The position of the TRB and its management is to keep Skyway Stage 3 OPEN for the benefit of all motorists,” anito pa.
Nang matanong naman hinggil dito si Ang ay sumagot ito nang, “Yes, no closure.”