SINONG mag-aakala na ang isyung nagtulak sa isang digmaan at halos humati sa magiting na United States ay isyu pa rin sa kasalukuyan. Nilabanan ni President Abraham Lincoln ang American civil war upang isalba ang United States of America mula sa pagkahati-hati pabalik sa lumang mga alyansa, ngunit ipinaglaban din niya na wakasan ang pang-aalipin sa North America.
Nakagugulat na muling nangingibabaw ang isyu at bagamat hindi sa katulad na lebel ng direktang pangamba, ginawa itong isang malalim na isyu ni Queen Elizabeth para sa Royal Family.
Matatandaang nagdesisyon si Prince Harry at kanyang Amerikanang asawa, si Meghan Markle, na isuko ang kanilang responsibilidad sa Royal Family. Si Harry at ang kanyang nakatatandang kapatid na si William ay anak ni dating Princess Diana.
Tila lumalabas na natuklasan ni Meghan na ilang hindi pinangalanang miyembro ng pamilya ang nag-iisip kung gaano kaitim ang magiging kulay ng kanyang isisilang noon na anak. Ang ina ni Meghan ay isang black American at sa isang punto sa hinaharap, inaasahang lalabas ang kulay nito.
Sa mga lumipas na panahon, aniya, nagdusa siya hanggang sa nagdesisyon na lamang sila ni Prince Harry na tapusin ang kanilang tungkulin sa Royal. At magbahagi ng isang panayam sa American icon na si Oprah Winfrey.
Sa pag-alis sa Britain, ang isyung ito ay maaring hindi lumikha ng matinding atensiyon sa mga Briton. Nasa 30 porsiyento ng 4,656 na nakapanayam sa British television ang nagsabing hindi patas ang naging pagtrato sa mag-asawa ngunit 30 porsiyento rin ang nagsabi ng kabaligtaran.
Pumukaw ng atensiyon ang panayam kina Harry at Meghan sa akusasyon ng racism ng hindi kinilalang senior royal na iniisip ang tungkol sa magiging kulay ng anak na lalaki ni Meghan. Ngunit walang nakaaalam hinggil sa “mixed marriages” sa hinaharap.
Ginawa ni Queen Elizabeth ang pinakamainam na paraan. Kapag taluklasan na niya, maaari siyang magdesisyong parasuhan ang nagsabi sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapangaral. Sa nagbabagong sentimyento sa usapin ng lahi, kailangan magdesisyon sa sarili ang Reyna.