Ni BELLA GAMOTEA

Pasensya na mga bata.

Simula Miyerkules, Marso 17, ang mga menor de edad ay muling pagbabawalang lumabas sa kanilang mga tirahan sa gitna ng nakakaalarma na pagtaas ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila.

Inihayag sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes, Marso 16, na ang Metro Manila Council (MMC) ay nagbabalangkas ng isang resolusyon na nagbabawal sa mga menor de edad, partikular ang edad na 15-17, na lumabas sa loob ng dalawang linggo. Ipapatupad ito sa lahat ng 17 lungsod at nag-iisang munisipalidad na binubuo ng National Capital Region (NCR).

Resulta ng SCTEX road crash: Lahat ng bus units ng Solid North, tuluyang sinuspinde ng DOTr

Nangangahulugan ito na ang mga indibidwal na may edad na 18-65 taong gulang lamang ang pinapayagang lumabas sa kanilang tahanan.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang hakbang na ito ay napagkasunduan ng mga alkalde ng NCR (Metro Manila) sa hangaring mapigilan ang pagkalat ng virus sa metropolis.

“We are implementing age restrictions because of the increase in our COVID-19 cases. We encourage everyone to strictly observe and practice the minimum health protocols, and be extra careful and follow stringent measures particularly when around vulnerable family members, as there have been reports of transmission among family members,” aniya.

“As I’ve said before, the metro mayors and MMDA are regularly monitoring the COVID-19 numbers and we will implement calibration and changes on our directives depending on the figures that we have,” dagdag ni Abalos.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Abalos na sumang-ayon ang mga alkalde ng NCR na paluwagin ang mga paghihigpit sa edad habang ang gobyerno ay naghahangad na hikayatin ang mga gawaing pang-ekonomiya.

Ngunit ang biglaang pagtalon sa mga aktibong kaso ngayong buwan ay nagtulak sa MMC – ang katawan na gumagawa ng patakaran ng MMDA – na maging mas maingat. Humantong pa ito sa pagpapatupad ng pare-parehon curfew sa buong Kamaynilaan simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, na nagsimula noong Lunes