ni Marivic Awitan

LAGDA na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte at ganap ng naturalized citizen sina Ivorian basketball player Kakou Ange Franck Williams Kouame at Spanish football player Bienvenido Marañón Morejón.

Ito’y matapos na aprubahan sa pamamagitan ng unanimous vote na 23 ng lahat ng dumalong Senador sa third at final reading sa Senado ng House Bill No. 8631 sa ilalim ng Committee Report No. 188 ang Filipino citizenship ng 34- anyos na si Morejón.

Sa boto ring 23-0-0, ipinasa rin sa third reading ang House Bill No. 8632 sa ilalim ng Committee Report No. 189 ang paggagawad ng Filipino citizenship kay Kouame.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We are excited for them to be naturalized because they have proven that they really want to be Filipinos, but they also have to be exemplary, to be an inspiration to the Filipinos,” pahayag ni Senador Richard Gordon, chairman ng Committee on Justice and Human Rights. At dahil naipasa na rin ang mga counterpart versions ng Senate Bill No. 1391, na inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel F. Zubiri para kay Marañón at ng Senate Bill No. 2058 na ginawa naman ni Gordon para kay Kouame sa Kongreso ganap na magiging batas ang mga ito kapag nilagdaan na ng presidente at nalathala sa mga pahayagan