NABIGYAN si Filipina tennis phenom at Globe ambassador Alex Eala ng pagkakataon na makalaro sa pamosong Miami Open matapos makatanggap ng wild card entry sa qualifying match sa Marso 22 sa Hard Rock Stadium sa iami Gardens, Florida.

Ipinahayag ng Rafael Nadal Academy kung saan nagsasanay ang 15- anyos bilang iskolar ang magandang balita para sa pambato ng bansa.

Nilalahukan ang Miami Open ng mga matitinik na player sa mundo at ngayong taon seeded sina world top-ranked player Ashleigh Barty at world No. 2 at reigning Australian Open champion Naomi Osaka. Nakalinya ring sumabak sa main draw si world No. 3 Simona Halep.

“Looking forward to an awesome experience!” pahayag ni Eala sa kanyang Facebook page.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Umangat sa No.736 ang ranking ni Eala sa Women’s Tennis Association (WTA).