Xinhua
GENEVA, Switzerland — Sinabi ng mga opisyal ng World Health Organization (WHO) nitong Lunes na ang paggamit ng e-certificate para sa COVID-19 vaccination ay isang “potentially very useful instrument,” ngunit nagbabala hinggil sa paggamit nito, partikular para sa international travels, dahil sa “tremendously iniquitous situation in the world.”
Ipinaliwanag ni Dr. Michael Ryan, executive director ng WHO Health Emergencies Program, sa isang virtual press conference nitong Lunes na ang electronic certificates for vaccination ay maaaring maging “very useful instrument for governments to use for managing the registration of vaccination in the country.”
Gayunman, idinagdag niya na ang paggamit ng certificates para makabiyahe patungi sa ibang bansa ay maaaring hind imaging patas, lalo’t ang posibilidad na makakuha ng bakuna ang isang tao ay “very much to do with the country you live in,” lalo na’t hindi pa malawakang nagagamit ang bakuna at hindi pa rin patas na naipapamahagi sa buong mundo.
Ilang bansa, tulad ng United States at United Kingdom, ang ikinokonsidera ang paggamit ng electronic certificates, habang inanunsiyo naman ng European Union nitong Marso 1 ang plano nito para sa isang “green pass.”
Sinabi ng WHO na nakikipagtulungan na ito sa ibang sektor para sa pag-develop ng
electronic certificates bilang “having a digital certificate on a mobile phone would be an advantage to having a paper certificate,” pahayag ni WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan.
“Over the next few weeks and months we will be working mainly with our member states to discuss how this could be implemented,” paliwanag ni Swaminathan.
Habang patuloy na naghihirap ang mundo na malabanan ang pandemya, nagsisimula namang tumaas ang bilang ng mga bansa na mayroon nang already-authorized coronavirus vaccines.
Samantala, nasa 263 bakuna ang patuloy na idine-develop sa buong mundo—nasa 81 dito ang sumasailalim na sa clinical trials — sa mga bansang tulad Germany, China, Russia, Britain, at United States, ayon sa pinakabagong impormasyon na inilabas ng WHO nitong Marso 12.