ni Beth Camia

Hinihintay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa CALABARZON, sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad bago ito maglabas ng pahayag.

Ito ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nang tanungin kung bakit hindi naglalabas ng pahayag o nagbibigay ng komento ang Pangulo sa insidenteng ito.

“Because he’s awaiting results of the investigation,” ani Roque.

Resulta ng SCTEX road crash: Lahat ng bus units ng Solid North, tuluyang sinuspinde ng DOTr

Ayon sa kalihim, hindi naman angkop na magkomento sa isang usapin habang hindi pa ganap na natutukoy ang tunay na nangyari.

Sinabi ni Roque, noong nagkaroon ng shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay hindi rin naman nagkomento ang Pangulo. Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na magiging patas ang imbestigasyong ito, at mapaparusahan ang mga mapapatunayan nagkasala.

“Even when there was a shootout in Sulu between soldiers and policemen, he also did not say anything other than he assured the victims that justice will be done,” ayon pa kay Roque