ni Marivic Awitan
WALA ng playoff, tuloy na ang Davao Occidental-Cocolife sa Chooks-to-Go MPBL Nationals Finals laban sa San Juan Go for Gold.
Ipinahayag ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes na apat na miyembro ng Basilan-Jumbo Plastic squad ang nagpositibo sa isinagawang panibagongCOVID-19 swab test.
“Update is four ang positive,” pahayag ni Duremdes.
Dahil dito, hindi makakalaro ang Basilan sa South Division finals at gaya ng naunang napagkasunduan, ibinigay na sa Davao Occidental na itinalagang winner by default ang tiket sa national finals para sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Nauna nito, hindi natuloy ang winner-take-all nang magpositibo ang dalawang player ng Basila sa pagpasok sa bubble.
Bago natigil ang aksiyon sa MPBL dahil sa pandemya,tabla sa 1-1 ang Basilan at Davao.
Unang nagwagi ang Basilan matapos ungusan ang Tigers,74-72:noong Marso 9, 2020 sa RDR Gymnasium sa Tagum City bago itinabla ng Davao ang series dalawang araw ang nakalipas via 81-76 desisyon sa Lamitan Capitol Gym.
Magsisimula ang duwelo ng Davao Occidental at San Juan-Go for Gold sa finals sa Marso 17 sa Subic Bay Gymnasium.