Ni DANTE A. LAGANA

MATAGUMPAY ang naganap na virtual celebration ng 8th World Wildlife Day sa pangunguna ng Biodiversity Management Bureau of the Department of Environment and Natural Resources (DENR-BMB) nitong nakaraang Marso 3. Sa tema nilang “Forests and Livelihoods: Sustaining People and Planet” patunay lang na isinasakatuparan ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa ating kagubatan para sa ikabubuti ng kalahatan.

Bagamat wala roon si DENR Secretary Roy A. Cimatu present naman si Undersecretary for Legal, Administration, Human Resources and Legislative Affairs and Chair, Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife Trade (POGI) na si Atty. Ernesto D. Adobo, Jr. upang basahin ang mensahe ni DENR Secretary Cimatu. Part ng kanyang sinabi ay “We must find ways to continue to advance one maintaining the integrity of forest ecosystem what is needed is step forward not step backward. This step forward means effective collaboration of enforcement agencies and innovative solutions to our most present problem.” Dagdag pa sa mensahe niya ang World Wildlife Day daw ay pagbibigay kamalayan sa mga kinasasakupan ng kagubatan gaya ng mga hayop, halaman at iba pa na mga pawang sobrang importante sa ating bansa. Naging bahagi rin ng programa sina Senador Cynthia Villar at Senador Juan Miguel Zubiri na parehong iisa ang adhikain para sa ikakaayos at ikagaganda ng ating wildlife. Ang kapwa senador ay nagfile ng two separate bills para palakasin ang pangangalaga at proteksyon ng wildlife sa bansa. Parte rin ng event ang singer-actress at environmental advocate na si Antoinette Taus bilang host ng kabuuan ng programa. Walang kupas pa rin kung mag-host si Antoinette dahil naitawid niya ng maayos at malinis ang buong programa. Sa pagpapatuloy ng virtual celebration, inihayag ni Antoinette ang mga winners ng ibat’ ibang kawani para sa 8th Wildlife Enforcement Awarding Ceremony. Samantala upang ipagpatuloy at ikalat ang kabatiran para sa proteksyon at pangangalaga ng wildlife nagsagawa sila ng pakontes gaya ng poster making, jingle making at sa photography. Binanggit din sa programa ang mga nagsipagwagi.

Naging relax naman ang virtual event dahil naging guest nila ang singer-songwriter, environmentalist at multi award-winning artist na si Joey Ayala. Ani Joey, “Salamat sa pag-imbita sa akin ng DENR. Talagang malapit ang kalikasan sa aking puso natutuwa ako at pinapansin pa rin ng mga kabataan ang kalikasan.” Inawit ni Joey ang kanyang kanta na Maglakad at 1896 12 12 20.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'