ni Annie Abad

PATULOY na ipinagdiriwang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Women’s Month kung saan ay magiging panauhing pandangal ang mag-inang world-class Pinay paddlers na sina Maribeth Caranto at Rosalyn Esguerra sa isa pang episode ng Rise Up! Shape Up!

Kabilang si Maribeth Caranto sa 2018 Philippine national dragonboat team na nagwagi ng gintong medalya sa 2018 ICF World Dragonboat Championships.

Habang malaking impluwensiya umano kay Esguerra ang kanyang ina na si Caranto upang siya ay suportahan ang kanyang pagtupad sa kanyang pangarap.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ibabahagi din ni Esguerra kung paanong ang kanyang ina ay itinaguyod siyang mag-isa matapos na pumanaw ang kanyang ina sa murang edad.

Samantala, ayon kay PSC Commissioner Celia Kiram malaking bahagi ang ginagampanan ng isang ina upang mahikayat anf kanilang mga anak na pumasok sa sports.

“As a mother, you can exercise great influence on your daughter’s passion for sports or lifelong pursuit of physical fitness. The eagerness for your daughters to get into sports starts from you, mothers. So, the PSC is renewing its dedication, despite the pandemic, to tap the women in the sports sector to be more creative in its campaign to increase the number of girls engaged in sports,” ani PSC Women in Sports Oversight Commissioner Celia H. Kiram.

Kabilang din sa nasabing programa ang psychologist at Philippine Association of Child and Play Therapy’s Riza.