ni Marivic Awitan

MULING nagkamit ng gold medal, ikawalo ngayong taon, ang Filipino karateka na si James de los Santos makaraang mamayani sa Sportdata E-Tournament World Series #2.

Ginapi ni De los Santos ang nakatunggaling Romanian na si Andrel Nedelcu, 24.3-24, sa finals noong Biyernes.

Nauna rito, tinalo nya si William Tran ng Sweden sa first round, 25.4-24.3; sumunod si Markus Hecht ng Germany sa round of 16, 24.5-23.2; Cornelius Johnsen ng Norway sa quarterfinals, 24.5-23.4; at Silvio Cerone-Biagoni ng South Africa sa semifinals, 24.9-24.1.

Kasabay ng paglabas ng resulta ng Sportdata e-tournament ay nasa isang pagtitipon naman si De Los Santos upang tumanggap ng parangal sa Gawad Lasalyano. Ang kasalukuyang world no.1 e-kata athlete ay ginawaran ng award para sa sports excellence.

CHR, iniimbestigahan pagkamatay ng preso sa loob ng City Jail!

“Thank you again to my alma mater, De La Salle University - Manila, for the award and recognition!” ani De Los Santos.