Ni AARON RECUENCO
Tinanggal sa puwesto ang hepe ng Calbayog City Police at siyam pang pulis na tauhan nito kaugnay ng umano’y nangyaring ‘engkuwentro’ sa nasabing lungsod na ikinasawi ni Mayor Ronaldo Aquino, kamakailan.
Idinahilan ni Philippine National Police (PNP)-Officer-In-Charge Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang nasabing hakbang aniya nito ay bahagi ng pagsusulong upang ma-improve pa ang investigation, intelligence at operational capabilities ng pulisya sa gitna ng dalawang kontrobersyal na insidente sa kanilang hanay sa loob lamang ng isang linggo.
Binanggit nito, ang pagkakasibak nita sa posisyon kay Calbayog Police chief, Lt. Col. Neil Montaño ay dahil sa command responsibility dahil sa dalawang insidente.
Si Montaño ay papalitan ni Lt. Col. Rodolfo Albotra.
“This reorganization is intended not only to improve the investigation and intelligence capacity of the Calbayog City Police Station in the light of the two incidents but also to infuse new ideas and strategies on peace and order with the deployment of new police officers in the area,” aniya.
Bukod dito, inaprubahan din aniya nito ang rekomendasyon ni Brig. Gen. Ronaldo de Jesus, director ng Police Regional Office-Region 8, na sibakin din sa puwesto ang siyam pang pulis ng Calbayog City Police.
“They were already relieved and were re-assigned to the Samar Provincial Police Office to refresher training,” dagdag pa ni Eleazar.
Matatandaang bukod kay Aquino, napatay din ang driver nito at isang pulis na nakatalaga sa kanya nang pagbabarilin umano sila ng mga pulis sa Bgy. Lonoy, Tinambacan District sa nasabing lungsod, nitong Marso 8.
Dalawa rin sa mga pulis ang napatay sa insidente.