AFP

Inaresto nitong Sabado si Bolivia former acting president Jeanine Anez, sa kasong terrorism at sedition na tinawag ng predecessor at political rival nito, si Evo Morales na “coup” na nagpatalsik sa kanya.

Kinakalap din ng pulisya ang mga dating ministers na sumuporta sa pansamantalang pamamahala ng conservative politician, na tumagal ng isang taon matapos umalis ng bansa si Morales noong Nobyembre 2019 sa gitna ng gulo sa halalan, ayon sa ulat.

Naganap ang pag-aresto ilang buwan matapos bumalik si Morales sa Bolivia na suportado ng bagong election victory noong Oktubre 2020 mula sa leftist Movement for Socialism (MAS) ang partido na kanyang itinatag. Kontrolado na ngayon ng MAS ang panguluhan at kongreso.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“I inform the Bolivian people that Mrs. Jeanine Anez has already been apprehended and is currently in the hands of the police,” pahayag ni government minister Carlos Eduardo del Castillo sa Twitter at Facebook.

Pinuri naman ni Del Castillo ang mga pulis para sa kanilang “great work” sa isang “historic task of giving justice”para sa mga tao ng Bolivia. Mula sa police barracks sa La Paz, nagpadala si Anez ng liham sa European Union and the Organization of American States na humihiling na magpadala ito ng observer missions upang masundan ang kaso.

Nakiusap ito na “objectively and impartially evaluate the illegal apprehension of which myself and my two former ministers have been victims, on Friday and at dawn this Saturday,” pahayag ni Anez liham. Iginiit naman ni Morales, sa pamamagitan ng isang tweet na ang “authors and accomplices” ng tinwag niyang “coup d’etat” laban sa kanya “be investigated and punished.”

Nitong Biyernes, naglabas ang public prosecutor ng Bolivia ng arrest warrant para kay Anez at sa ilan pa para sa kaso ng terrorism, sedition at conspiracy.

Tinugon naman ni Anez ang warrant sa pamamagitan ng Twitter at sinabing: “The political persecution has begun.”

Iginiit niya na “[government was accusing her] of having participated in a coup d’etat that never happened.”