IPINAKITA ni Grandmaster Rogelio Barcenilla ang kanyang husay sa endgame para ihatid ang Laguna Heroes team sa 17.5-3.5 victory sa Cagayan Kings sa PCAP nitong Sabado sa online tournament sa chess.com.
Isang knight sa king side ni Arizona, US based Barcenilla para mapuwersa si Jojo Foz na mag resign sa 42 pushes ng English Opening sa kanilang top board encounter.
Si Barcenilla na two-time (1989 and 1990) Asian Juniors champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania, ay nakakuha ng upper hand via beautiful knight move sa c6 square check sa queen side para ma control ang end game na may rook , knight at five pawns kontra kay Foz na may bishop, knight at four pawns.
“GM Banjo (Rogelio Barcenilla Jr.) play was always razor-sharp, rational and brilliant.” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Alfredo “Fred” Paez, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina engr. Benjamin Dy, engr. Jonathan Mamaril at Mr. David Nithyananthan.
Kabilang din sa nagtala ng importanteng panalo sa Laguna na suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at Rotary Club of Nuvali ay sina Fide Master Austin Jacob Literatus, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez at Kimuel Aaron Lorenzo sa board 2 hangang 7.
Ang nalalabing makakalaban ng Laguna bago ang quarter finals ay ang Isabela Knight Raiders, Manila Indios Bravos at Quezon City Simba’s Tribe.