ni Xinhua

UNITED NATIONS —Inilunsad ng United Nations kamakailan ang isang bagong global campaign, ang Only Together, upang suportahan ang panawagan nito para sa patas at nararapat na access sa COVID-19 vaccines sa buong mundo.

Binibigyang-diin ng kampanya ang pangangailangan para sa isang nagtutugmang pandaigdigang aksiyon upang masiguro na maa-access ang bakuna sa lahat ng bansa, simula sa mga health-care workers at pinaka bulnerableng sektor.

“Only together can we protect healthcare workers and the world’s most vulnerable people,” pahayag ni UN Secretary-General Antonio Guterres sa kanyang video remarks sa virtual launch ng kampanya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pagsasabing sa pangako ng bakuna, nakikita ng international community ang “light at the end of the tunnel.”

Aniya, kamangha-mangha ang mga siyentista na nakapag-develop ng ligtas at epektibong bakuna sa mabilis na panahon.

“We now have the tool to stop COVID-19 in its tracks,” ani Guterres.

“But so far, a small number of rich countries are rolling out a majority of the doses,” paalala naman ng secretary-general.

Giit niya, “COVID-19 vaccines must be considered a global public good.” reiterating his “No country can overcome this crisis in isolation.”

“Over the past year, we’ve all missed out on doing the things we love to do with others — eating, hugging, and going to school and work,” saad naman ni UN Deputy Secretary-General Amina J. Mohammed.

“Millions of us have lost someone we love or had our livelihoods taken away. An unprecedented global scientific effort for vaccines has given us hope to defeat the virus — but only if we work together to ensure everyone, everywhere has access to COVID-19 vaccines. Only together can we end the pandemic and transform a new era of hope.”

Higit 2.5 milyong tao na sa mundo ang namatay mula sa COVID-19, ayon sa World Health Organization.

Nagsisimula na ang pinakamalaking vaccine rollout sa kasaysayan sa pagdadala ng milyon-milyong bakuna sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang ilan sa pinakamahihirap na bansa, sa pamamagitan ng pagsisikap ng COVAX, ang global vaccine equity mechanism.

Ngunit ang doses na ito ay inisyal na sasakop lamang sa maliit na bahagi ng populasyon—para sa mga healthcare workers at most vulnerable. Sa pagtatapos ng 2021, hangad ng COVAX na maialok ang bakuna sa halos 30 porsiyento ng populasyon ng bawat kasaping bansa.

Ang COVAX, na pinangungunahan ng World Health Organization, GAVI at ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations, at katuwang din ang UN Children’s Fund, ay may 190 kalahok na bansa. Nangangailangan ito ng higit $2 bilyon upang makamit ang hangarin na mabakunahan ang pinaka nangangailangan sa pagtatapos ng taon.

“If the world’s scientists were able to develop safe and effective vaccines in just seven months, the aims of world’s leaders must be equally record-breaking — to provide enough funding and to ramp up manufacturing to enable everyone on earth to be vaccinated,” pahayag ni UN Undersecretary-General for Global Communications Melissa Fleming.