Nina ANALOU DE VERA at MARY ANN SANTIAGO

Nakapasok na sa Pilipinas ang kinatatakutang P.1 o ang Brazilian variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH) kahapon.

Ang nasabing variant ay na-detect sa isang overseas Filipino (ROF) na umuwi sa bansa mula sa Brazil.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Additional information about the case is currently being investigated. According to the Centers for Disease Control and Prevention, there is evidence to suggest that transmissibility and the ability of antibodies generated through previous infection is affected by some mutations of this variant,” pahayag ng DOH.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na aabot pa sa 59 na bagong kaso ng nagpositibo sa B.1.1.7 variant (United Kingdom), at 32 karagdagang kaso ng B.1.351 (South African) variant ang natuklasan sa Pilipinas.

“Of the additional 59 B.1.1.7 variant cases, 30 are local cases, 18 are ROFs (returning overseas Filipinos), and 11 are currently being verified if they are local or ROF cases,” paliwanag ng DOH.

Natuklasan na 16 sa local cases ay mula sa Cordillera Administrative Region, 10 mula sa National Capital Region, dalawang sa Central Luzon, at dalawa rin sa Calabarzon.

Sa kabuuan, aabot na sa 177 ang B.1.1.7 cases sa Pilipinas. inanggit ng DOH, 21 sa 32 B.1.351 variant cases ay local cases habang ang isa ay ROF, at ang 10 iba pa ay iniimbestigahan pa.

Ang 19 naman sa local cases ay naitala sa Metro Manila, at tig-isa naman mula sa Cagayan Valley, at Northern Mindanao.

Nasa 90 na ang kabuuang kaso ng “The DOH emphasizes that correct and consistent adherence to the minimum public health standards will prevent the transmission of these variants,” ayon pa sa DOH.