Christina Hermoso
SA paggunita ng mga mananampalatayang Katoliko sa Ikaapat na Linggo ngKuwaresma, Marso 14, nanawagan ang isang lider ng Simbahan sa mga Pilipinong Katoliko na palalimin ang kanilang pananampalataya at palakasin ang kanilang ugnayan sa Panginoon.
“Lent is a reminder for everyone to deepen his faith and to strengthen his relationship with God. Lent is a time to renew one’s faith and nurture his spiritual life,” pahayag ni Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles sa Radio Veritas. Sinabi ni Archbishop Arguelles na ang isang buhay na walang Diyos ay maikokonsiderang “a life that is exhausting and meaningless.”
“Lent reminds us to keep close to God, to believe in God. Let us believe in God’s love for us. If we keep God out of our lives, we will have a meaningless existence,” giit ng arsobispo.
Nanawagan si Arguelles sa mga mananampalataya na ipakita ang kanilang pagmamahal sa Poong Maykapal at sa kapwa sa pamamagitan ng charity work, self- denial, at pamumuhay sa salita ng Simbahan. Samantala, bilang tradisyon ng Simbahang Katoliko, ipinagdiriwang ang Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma bilang Linggo ng ligaya at kagalakan.
Kilala rin bilang Laetare Sunday, mula sa mga unang salita ng Introit sa banal na misa, “Laetare Jerusalem!” (Rejoice, O Jerusalem!), ang araw na nagtatampok sa nalalapit na Resureksyon ni Kristo sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.
Sa tema na “Hope and Rejoicing,” kalimitang ang imno ng simbahan ay naglalarawan ng ligaya, pag-asa at konsolasyon.
“Lent is half over and Easter is near. The shift to a joyous mood is meant to encourage the faithful to persevere fervently to the end of this holy season as well as to focus on the hope and rejoicing that the Resurrection of Christ is near,” ayon sa opisyal ng Simbahan.
Hinikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na panatilihin ang pagsunod sa safety health protocols sa pagpunta sa simbahan at iwasan ang pagpupunas, paghawak at paghalik sa mga imahe na nasa loob ng simbahan.