Agence France-Presse
HINDI lamang tao ang labis na napinsala ng COVID-19 pandemic, nakaapekto rin ito nang malaki sa pagsisikap na mapangalagaan ang natural ecosystem at mga habitat sa buong mundo, paalala ng mga conservationists.
Dahil sa pandemya at idinulot nitong pagbagsak ng ekonomiya, maraming rangers ang nawalan ng trabaho, na naging dahilan ng pagkabawas sa anti-poaching patrols, at nagdulot ng iba’t ibang environmental roll-backs, pahayag ng International Union for Conservation of Nature.
Sa isang espesyal na edisyon ng IUCN PARKS journal, na naglalaman ng isang koleksyon ng mga bagong pag-aaral hinggil sa iba’t ibang epekto ng pandemya sa nature conservation, isinaad na ramdam ang krisis sa mga protected areas sa buong mundo.
“While the global health crisis remains priority, this new research reveals just how severe a toll the COVID-19 pandemic has taken on conservation efforts and on communities dedicated to protecting nature,” pahayag ni IUCN director general Dr Bruno Oberle.
Sa isinagawang survey sa mga protected areas sa 90 bansa, lumalabas na pinakamatinding naapektuhan ng krisis ang Africa, gayundin ang Latin America at Asia.
Higit kalahati ng protektadong mga lugar sa Africa ang napaulat na napilitang ihinto o bawasan ang field patrols at anti-poaching operations.
‘KAWALAN NG TRABAHO’
Ang pagsasara ng mga tourism sites ay partikular na nagdulot ng malaking pagsubok.
“There has been a massive impact on wildlife tourism, so there has been a massive loss of jobs, loss of income,” pagbabahagi ni PARKS journal co-editor Adrian Philips, ng IUCN’s World Commission on Protected Areas, sa AFP.
“Many poor communities which were previously dependent upon tourists, have found themselves unable to survive without doing some poaching to find food,” aniya.
Sa isang survey sa mga rangers sa halos 60 bansa, natuklasan na higit sa isang kuwarter ng mga rangers ang nakaranas ng pagkabawas o delayed na suweldo, habang isa sa bawat lima ang nawalan ng kanilang trabaho dahil sa COVID-related budget cuts.
Malinaw na nagdulot ang sitwasyong ito ng pagkalantad ng maraming lugar sa panganib ng poaching at iba pang ilegal na aktibidad.
Kulang ang datos hinggil sa kung paano nakaapekto ang pandemic measures sa poaching levels, ngunit sinabi ni Philips na hindi naman nakitaan nang malaking pagtaas ng high-profile poaching sa rhinos, halimbawa.
Marahil dulot ito, aniya, ng pagbagsak ng international travel, na nangangahuluhang mas mahirap makapasok ngayon sa mga tanggap na merkado sa Asya.
Sa halip, aniya, “there has been an increase in low-level poaching, bush meat” para sa pagkain.
Sa hakbang na mailantad ang epekto ng pandemya sa environmental policy, inanalisa ng espesyal na edisyon ang isang “range of economic stimulus packages” at iba pang polisiya ng pamahalaan na inimplementa sa pagitan ng Enero at Oktubre nitong nakaraang taon.
Natuklasan din na may mga positibong halimbawa ng economic recovery packages na nagpapataas sa environmental protections at nagbibigay-benepisyo sa mga protected areas.
Ngunit mas maraming polisiya ang nagpahinto sa proteksyon, pabor sa unsustainable development tulad ng road construction at oil at gas extraction sa ilang lugar na itinalaga para sa conservation.
SMART INVESTMENT
“We cannot allow the current crisis to further jeopardize our natural environment,” babala ni Rachel Golden Kroner ng environmental organization Conservation International.
“If we are to build a sustainable future, roll-backs of environmental protections must be avoided,”aniya.
Binigyang-diin din sa PARKS special edition na ang mahinang conservation ang nasa likod ng lumalagong bilang ng mga virus na tumatawid mula hayop patungong tao, tulad ng sanhi ng COVID-19.
Kaya naman ang pagpapalakas ng conservation ay maituturing na “smart investment.” “Investing in nature conservation and restoration to prevent the future emergence of zoonotic pathogens such as coronaviruses costs a small fraction of the trillions of dollars governments have been forced to spend to combat COVID-19 and stimulate an economic recovery,” saad ng isa sa may akda, Carlos Manuel Rodriguez, ng Global Environment Facility.
Ani Philip, ang halagang ginugugol para sa nature conservation ay “pretty pitiful”.
Pinuri niya ang multiple vaccines na nai-develop sa mabilis na panahon upang malabanan ang COVID-19.
Ngunit nagbabala siya, na sa pagbabalewala sa kalikasan “we face the prospect of having a further pandemic, possibly with a virus that is not so easily controlled by a vaccine”.