Xinhua
NANAWAGAN si United Nations Secretary-General Antonio Guterres kamakailan para sa isang nagkakaisang pagsisikap upang mawakasan ang mga sigalot sa buong mundo.
“I urge all states to make ending conflict, not simply mitigating its impact, a key foreign policy priority,” pahayag ng UN chief sa Security Council open debate sa pamamagitan ng isang “videoconference on conflict and food security.”
“I call on council members to use your privileged position to do everything in your power to end violence, negotiate peace, and alleviate the hunger and suffering that afflict so many millions of people around the world,” ani Guterres. “There is no place for famine and starvation in the 21st century.”
Sa malawakang kagutuman, sinabi ng UN chief na, “we face multiple conflict-driven famines around the world.”
“Climate shocks and the COVID-19 pandemic are adding fuel to the flames,” aniya.
“Without immediate action, millions of people will reach the brink of extreme hunger and death.”
Sa kanyang pagtalakay sa pinakamahalagang usapin na may kinalaman sa seguridad ng pakain, sinabi ni Guterres na tinatayang higit sa 34 milyong tao ang nahaharap sa emergency levels ng acute food insecurity.
Binigyang-diin din ng secretary-general na hindi dapat mahinto ang humanitarian access, at ang paggutom sa mga sibilyan bilang paraan ng digmaan ay dapat na ipagbawal.
“Sadly, we have many recent examples of the use of starvation as a war tactic,” ani
Guterres.
Hinikayat niya ang mga miyembro ng Security Council “to take maximum action to seek accountability for these atrocious acts, and to remind parties (related) to conflict of their obligations under international humanitarian law.”
Nanawagan din ang UN chief sa pandaigdigang komunidad na paunlarin ang food systems upang maging mas inklusibo, matatag at mapananatili ito.