ROME (AFP)— Inatasang magsara ang mga paaralan, restawran, tindahan at museo noong Biyernes sa halos buong Italy simula sa susunod na linggo, pagkatapos ng magbabala si Prime Minister Mario Draghi tungkol sa isang “new wave” ng mga impeksyon sa coronavirus.
Isang taon matapos itong maging kauna-unahang bansa sa Europe na humarap sa isang malaking pagsiklab, ang Italy ay muling nakikipaglaban sa mabilis na pagkalat ng Covid-19, sa oras na ito ay pinalakas ng mga bago, mas nakahahawang variants.
Ang karamihan ng mga rehiyon - kabilang ang mga kinaroroonan ng Rome at Milan - ay inuri ni Health Minister Roberto Speranza bilang high-risk red zones mula Lunes, na sinabihan ang lahat ng mga residente na manatili sa bahay maliban sa trabaho, kalusugan o iba pang mahahalagang dahilan.
Ang sobrang mga paghihigpit ay magtatagal hanggang sa Mahal na Araw, ayon sa tanggapan ni Draghi. Sa panahon ng Easter weekend sa Abril 3-5, ang buong Italy ay magiging isang red zone.
“More than a year after the start of the health emergency, we are unfortunately facing a new wave of infections,” sinabi ni Draghi sa pagbisita sa isang bagong vaccination centre sa Fiumicino airport ng Rome.
Idinagdag na: “The memory of what happened last spring is vivid, and we will do everything to prevent it from happening again.”