SA halos na apat na milyong Pilipino na walang trabaho, na sinabayan pa ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, walang dudang hilo na ang mga Pilipinong mamimili sa paghahanap ng paraan upang makaya ang mahirap na kalagayang pinalalala ng COVID-19 pandemic.
May isa pang item sa buwanang budget ng mga Pilipinong pamilya na nananatiling mababa—ang kanilang electric bill, para sa mga pinagsisilbihan ng Manila Electric
Company (Meralco), ang pinakamalaking power distribution utility sa bansa.
Sa nakalipas na dalawang buwan, nanatili ang Meralco electricity rates sa downward adjustment – na nabawasan ng P0.0704 per kilowatt hour (kwh) nitong Pebrero; at tinapyasan pa ng P0.3598 per kwh para sa billing cycle ng Marso.
Para sa mga konsumer na nasa loob ng usage base na 200 kilowatt-hours, nakatulong ang February rate cut upang makatipid sila ng P14, habang ang March cut ay nagresulta upang makatipid ng hanggang P72, halagang maaari ilaan ng gipit na konsumer sa iba pang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.
Ang pagbawas sa generation charges sa nakalipas na dalawang buwan ay dulot ng pagpapababa ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at mas maayos na paghahatid ng contracted power capacities. Ngunit nakatulong din sa bawas-singil ng Meralco ang dalawang refund orders ng Energy Regulatory Commission (ERC) na inilalagay ngayon ng utility firm sa electric bills na ibinibigay nito sa mga konsumer.
Ang unang refund na P0.1331 per kwh ay inaprubahan ng mga regulator noong Disyembre 2020, na makikita sa bill mula Enero 2021, hanggang Marso 2021 billing, kasama ng ‘offsetting’ dulot ng isang parallel directive sa napapasa sa cost under- recoveries ng utility firm.
Ang sunod na bahagi ng refund ay inaprunahan ng ERC nitong nakaraang buwan, base sa isang earlier application ng Meralco. Ang pagbabayad sa P13.9 billion ay ipapamahagi sa loob ng dalawang taon. Para sa mga residential consumers, nangangahulugan ito ng pagtapyas ng P0.2761 per kwh sa kanilang bill mula Marso 2021 hanggang Pebrero 2023.
Tulad ng nabanggit ni ERC Chairperson Agnes T. Devanadera, nang aprubahan ng ERC ang Meralco payback, ang “[resulting cost reductions will] allow customers to immediately enjoy the benefits of the proposed refund and provide immediate reliefespecially during this time of pandemic.”
Hinatak din ng Meralco ang payment terms para sa mga kostumer na nahihirapang makabayad ng kanilang bill—partikular ang bill na natambak nang ipatupad ang pinakamahigpit na quarantine lockdowns noong Marso hanggang Hunyo nitong nakaraang taon.
Inalerto naman ng Meralco ang mga kostumer nito na sa pagpasok ng tag-init tumataas ang power demand at maaari itong magdulot ng pagtaas ng rate. Kaya naman paalalanito para sa susunod na mga bawa: Use energy efficiently and responsibly.