ni Marivic Awitan
SAKALING may magpositibo sa mga players ng Basilan-Jumbo Plastic – kasalukuyang nasa pitong araw na quarantine – sinabi ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes na hindi na nila ito palalaruin at ibibigay ang final slots sa karibal na Davao Cocolife.
Magsasagupa ang Basilan at Davao Occidental-Cocolife para sa rubber match ng Southern Division Finals nitong Miyerkoles, ngunit naunsiyami matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang players sa pagsusuring ginawa bago pumasok sa bubble.
“If all the swab tests of Basilan's players and officials return negative, the South Division finals decider will be played on March 17, with the National Finals starting immediately the next day,” ayon kay Duremndes.
"If may mag positive ulit sa Basilan team, ang National Finals diretso na ng March 17. Win by default na si Davao kasi ibig sabihin noon close contact kasi sila (Basilan team) so baka nag manifest na sa ibang players," aniya.
"Ang ire-reswab na lang ay yung mga negative. Yung dalawang nag positive out na talaga yun."
Naghihintay na ang San Juan na nagwagi sa Nothern Division labas sa Makati na may limang players lang ang naglaro matapos magkaroon ng problema sa kanilang mga suweldo.