GENEVA (AFP) — Sinabi ng World Health Organization noong Biyernes na walang dahilan upang ihinto ang paggamit ng bakunang Covid-19 ng AstraZeneca matapos masuspinde ng maraming mga bansa ang paglulunsad sa takot sa pamumuo ng dugo habang ang ilang mga bansa ay nagsimulang magbabala ng isa pang virus wave.
Binigyang-diin ng WHO, na nagsabing sinusuri ng kanyang vaccines advisory committee ang dumarating na safety data, na walang naistablisang causal link sa pagitan ng bakunang AstraZeneca at pamumuo ng dugo.
“AstraZeneca is an excellent vaccine, as are the other vaccines that are being used,” sinabi ni WHO spokeswoman Margaret Harris sa reporters sa Geneva.
“Yes, we should continue using the AstraZeneca vaccine,” idinagdag niya, na binigyang diin na ang anumang mga alalahanin sa kaligtasan ay dapat na siyasatin.
Iginiit ng AstraZeneca na nakabase sa UK, na ligtas ang bakuna nito, idinagdag na walang “ebidensya” ng mas mataas peligro ng blood clot mula rito.